Cybersex addicts target ng bubuuing House bill
BINUBUO na ng mga kongresista ang isang panukalang batas na magpapataw ng mabigat na parusa hindi lamang sa operator ng “cybersex,” kundi maging sa mga kababaihan at kalalakihan na mahilig “magpaligaya” sa sex online sa pamamagitan ng Internet matapos masangkot sa ganitong aktibidad ang 212,257 Pilipino.
Sa panayam, sinabi ni Catanduanes Rep. Joseph Santiago, dating komisyuner ng National Telecommunication Commission (NTC), na inaayos na nila ang draft ng panukalang batas katuwang ang ibang kongresista.
Bagama’t pinag-uusapan pa ang parusa, sinabi ni Santiago na mahalagang patawan rin ng parusa ang mga nahihilig habang sasailalim sa konsultasyon ang kaso ng mga biktima na puwersahang pinagta-trabaho ng mga sindikato sa cybersex.
“Isasama na natin sa mga parusa maging ang customers para masupil ito,” ani Santiago.
Nanindigan si Santiago na lalong lalala ang suliranin ng bansa sa cybersex dahil sa kakulangan ng batas laban dito kung saan paglabag lamang ng anti-pornography law ang umiiral at ibang mahihinang batas.
“We are now helping drafting a bill that would provide a more stiffer penalty against cybersex,” ani Santiago.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home