InterGapo

Tuesday, September 04, 2007

Regulasyon sa Internet café, pinahihigpitan ng mga mambabatas

NANAWAGAN kahapon mga kongresista sa kinauukulan na magtakda ng mahigpit na regulasyon sa lumalawak na Internet café dahil sa sandamakmak na marahas na “on-line games” na hindi nakakatulong sa edukasyon at hindi malayong lumikha ng “war-freak” na mga Pilipino sa hinaharap.

Bagama’t magandang senyales sa negosyo, dismayado naman sina Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, incoming An Waray Rep. Florencio “Bem” Noel at Taguig-Pateros Rep. Lani Cayetano dahil pawang mga bata na naglalaro ng mararahas na games ang madalas na parokyano sa Internet cafés.

Sinabi ni Romualdez na dapat magtakda ang iba't ibang lungsod at munisipyo ng kondisyon na magpapatupad ang Internet cafe operators ng curfew sa kanilang minors na kliyente bago pagkalooban ng business permit.

“There should be a limit in the operations of Internet cafés because precious times for studies are being wasted,” ani Romualdez na nagsabing hindi nakakatulong sa paghubog ng mga responsableng bata ang mararahas na computer at video games.

Naniniwala si Noel na humuhubog ang bayolenteng computer at video games ng mga kabataang utak-pulbura kaya naman maraming minors ang nasasangkot na sa mga krimen.

“Soon we will be producing adults who are war freaks and utak-pulbura who will approach their daily problems with the mindset of a warrior or a terminator,” ani Noel.

Nalaman naman kay Cayetano na sandamakmak na reklamo ang natanggap ng kanyang tanggapan dahil sa pinapabayaang Internet café kung saan nagiging adik ang mga batang dapat sana ay mga nag-aaral ng kanilang aralin.

Inihayag ni Cayetano na kadalasang inerereklamo ng mga magulang ang pagka-ubos ng baon ng kanilang mga anak sa pagrenta ng mga bayolenteng games.

“Young Internet café users have been practically spending their ‘baon’ and their whole day inside Internet cafes harnessing their talents in killing off their enemies,” ani Cayetano. Ryan Ponce Pacpaco - Journal online

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
http://www.fzgg.net
investing