InterGapo

Sunday, February 04, 2007

Internet café operators binalaan sa pornograpiya

Mariing binalaan ni Presidential Assistant on Youth and Sports Arnold "Ali" Atienza ang mga internet café operators sa lungsod na ipasasara ito sa sandaling mapatunayang nagtataguyod ang mga ito ng pornograpiya.

Sinabi ni Ali na ipasasara aniya ng pamahalaang panglungsod ang kanilang operasyon sakaling mapatunayang pinapayagan nila ang mga nagrirentang kabataan na mag-surf sa mga pornographic site.

Inihayag ni Atienza ang babala matapos makatanggap ng mga reklamo na maraming kabataan lalo na ang mga estudyante, ang nalululong sa internet hindi lamang para maglaro ng mga on-line games kundi para magbukas na rin ng mga pornographic site.

Kasabay nito, umapela na rin si Atienza sa mga operator ng internet café na i-monitor ang mga kabataang nagrirenta sa kanila nang sa gayon ay mapagbawalan ang mga ito sa pagbubukas ng mga pornographic sites.

"Mas mabuti siguro kung i-block na nila ang mga pornographic site upang hindi na mabuksan pa ng mga kabataang nagrirenta sa kanila," dagdag pa ni Atienza.

Maaari pa rin anyang mailayo ang mga kabataan sa pornograpiya sa tulong na rin ng kanilang mga magulang, paaralan at estado. (Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star)


 
http://www.fzgg.net
investing